Lalaki, ninakawan at sinaksak ng hindi nakilalang suspek sa Daraga, Albay

Patay na nang madatnan ng mga otoridad ang 49 anyos na lalaki sa loob ng kanyang tindahan sa Purok 6, Brgy. Pandan, Daraga, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Wenifredo Locaba Lorica, residente ng nasabing barangay.

Sa report, bandang alas 7:35 ng umaga nang iulat ng barangay kapitan sa Daraga MPS na mayroong natapuang patay sa nasabing lugar.

Dahil dito ay agad na bineripika ng mga otoridad ang ulat at nagsagawa ng inisyal na imbestigasyon.

Ayon kay “Alfredo” na unang nakadiskubre sa insidente, bandang alas 6:00 ng umaga, dumaan ito sa tindahan nang napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto.

Kasunod nito, nakita niyang nakahandusay sa sahig ang biktima na may mga dugo at wala nang buhay.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na natutulog ang biktima sa kanyang tindahan nang pasukin ito ng hindi pa nakikilalang suspek at sinaksak at kinuha ang benta o cash money ng biktima.

Sa panayam naman sa ina ng biktima na si Cristita Lorica, napag-alamang isang person with disability (PWD) ang biktima.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *