LTO Bicol, ipinaliwanag ang proseso para sa bagong registration renewal ng mga sasakyan sa rehiyon

Binigyang-paliwanag ni Land Transportation Office (LTO) ang sunod-sunod na proseso para sa bagong paraan ng registration renewal ng mga sasakyan sa rehiyon kasunod ng paglulunsad ng kanilang central office ng motor vehicle online registration renewal noong nakaraang Pebrero 14.

Ayon kay LTO Bicol regional director Francisco Ranches, Jr., kinakailangang kumuha muna ng Certificate of Insurance sa kahit anumang insurance company na may kaugnayan sa LTO ang mga gustong magparehistro ng kanilang mga sasakyan; sunod naman ay kinakailangang pumunta sa private motor vehicle inspection centers para naman sa gagawing inspeksyon ng kanilang mga sasakyan.

Matapos ito ay maaari nang mag-upload ng PMVIC para sa resulta ng inspeksyon.

Pagkatapos ng dalawang proseso ay maaari na umanong gumawa ng account ang mga gustong magparehistro sa kanilang website at magbayad sa pamamagitan ng G-Cash o E-wallet.

Sa oras na makapagbayad na sila, makakatanggap na ang mga aplikante ng printable receipt na nagsasabing ang kanilang mga sasakyan ay nairehistro na.

Dagdag pa ng direktor, posibleng umabot lamang ng hanggang 10 minuto ang proseso ng renewal sa pamamagitan ng motor vehicle online registration renewal.

Samantala, nilinaw naman nito na ang online registration ay isa lamang opsyon at maari pa rin namang magparehistro sa pamamagitan ng personal na pagpunta sa mga district offices ng LTO sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *