Lalaki sa India, kinilala bilang “world’s richest beggar”

Isang lalaking pulubi sa India kamakailan ang tinaguriang world’s richest beggar” dahil sa effort nitong magmakaawa sa daan at manlimos.

Ang nasabing pulubi na nagngangalang Bharat Jain ay nakaipon lang naman ng 75 milyong rupees o katumbas lang naman ng aabot sa 50 milyong piso.

Ayon sa ulat ng India Times kumikita ito ng 2 000-2 500 rupees o aabot sa 1300-1600 piso kada araw na kung susumahin ay aabot sa 75 000 rupees o katumbas lang naman ng halos 40 000 piso kada buwan.

Mayroon din itong asawa at dalawang anak kung saan napatapos niya sa tulong ng panlilimos at maging ang pangangailangan ng kaniyang pamilya ay naibibigay niya nang dahil sa Gawain niyang ito.

Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng tao na nagbibigay sa kaniya sa 10 hanggang 12 oras niyang pakikibaka sa daan araw-araw.

Ngunit, sa kabila ng pagkamit ng titulong ‘world’s richest beggar” hindi maisasantabi ang katotohanang nananatili pa rin bsa listahan ng pinaka mahirap na bansa ang India kung saan pang 64 ito sa kabuohang 100 bansa sa listahan.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *