Lalaking gusto na mamatay, biglang gusto nang mabuhay sa kasagsagan ng pagtalon sa mataaas na tulay.

BIGLANG nagbago ang isip ng isang lalaki na kinilala bilang si John Dittman ,22 anyos sa kasagsagan ng kanyang pagtalon sa  Aurora Bridge sa Seattle,Washington, dahil sa kanyang on the spot realization  na masarap ang mabuhay.

Bunsod kase ito ng nararanasang mental illness ni John kaya maka-ilang beses na  niyang binalak na magpakamatay, ayon sa kanya napapagod na siya sa araw-araw at may kung anong tinig narin daw na tumutulak sa kanya para gawin ang bagay na iyon,

Hanggang sa magkaroon na ng lakas ng loob si John na gawin ang matagal  niya ng binabalak, sa sobrang  bilis ng mga pangyayare doon na nito na realized na hindi nya pa  talaga kaya mawala sa mundo dahil masarap ang mabuhay.

Sa kuwento ni John sa bilis ng kanyang pagbulusok tantiya nya na ito ay umaabot ng 70 miles per hour o 33 feet per second at bago siya tuluyang bumagsak sa tubig biglang naisip niya na para hindi mauna bumagsak ang kanyang tyan dineretyo niya ang katawan habang nakataas ang kamay at tinuwid ang mga paa.

Malalim man ang binagsakan niyang tubig naging malinis naman ang kanyang pagbagsak mula sa ere dahilan upang siya ay maligtas sa tangka niyang pagpapakamatay.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *