Sec. Remulla optimismo na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Gov. Degamo

Nagpahayag ng optimismo si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa ngayon aniya, apat na ang naaresto mula sa mahigit 10 suspek na pinaniniwalaang sangkot sa pamamaril kay Degamo noong March 4 sa kanyang tahanan sa Pamplona, ‚Äč‚ÄčNegros Oriental.

Ang pamamaril ay humantong din sa pagkamatay ng walong iba pang sibiliyan.

Sinabi ni Remulla na nabasa na niya ang ilan sa mga pahayag ng mga suspek. Mayroon na umanong isang pahayag mula sa mga suspek na na  nagtuturo sa mastermind ng pagpatay sa gobernador.

Ngunit tumanggi si Remulla na magbigay ng karagdagang detalye sa pagkakakilanlan ng hinihinalang mastermind.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *