Lalaking namamana ng isda nalunod patay sa isang ilog sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Patay ang isang lalaki makaraang malunod habang namamana ng isda sa  Manibago River, Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Paracale, Camarines Norte noong Sabado de Gloria, April 8.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, isang tawag umano sa telepono ang natanggap ng kanilang substation sa lugar hinggil sa insidente ng pagkakalunod.

Kaya naman nagtungo ang mga ito sa lugar kung saan nangyari ang insidente kasama ang mga personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Kinilala ang biktima na si Albert Villanueva na residente sa lugar.

Ayon pa sa report, nag-dive umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog na tinatayang may lalim na walo hanggang sampung talampakan pero inanod dahil sa lakas ng agos nito.

Nilinaw naman ng Coast Guard na walang kaugnayan sa Semana Santa ang nasambit na insidente ng pagkakalunod.

Sa buong pagunita ng Semana Santa lima ang naitalang drowning incident sa lalawigan at sa kasawiang palad ay isa ang nasawi.

Ito ay ang 21 anyos na dalaga na nalunod sa Bagasbas noong tanghali ng Biyernes Santo habang nasa family reunion.

Dinala pa ito sa ospital  pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *