Lalaking nawala sa Columbian waters, nakaligtas dahil sa pagkain ng ketchup sa loob ng 24 na araw

Isang lalaki mula sa Caribbean island of Dominica ang  nakaligtas ng 24 na araw sa Colombian waters sakay ng isang bangka sa pamamagitan lamang ng pagkain ng ketchup.

Sa isang video na inilabas ng Colombian Navy, sinabi ni Elvis Francois na tanging isang bote lang ng ketchup, garlic powder at isang cubes o pampalasa ang mayroon siya. Pinaghalo-halo umano niya ito para maka survive sa dagat.

Ayon kay Elvis, inaayos niya ang isang bangka malapit sa isang daungan sa Carribean island noong Disyembre  ngunit sumama umano ang panahon at tinangay siya sa dagat.

Natagpuan siya ng mga Colombian Navy 120 nautical miles hilagang-kanluran ng Puerto Bolivar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *