Lalawigan ng Masbate, nakapagtala ng isang casualty; isa, nawawala sa Camarines Norte dahil sa bagyong Paeng – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol sa isang panayam ng Brigada News FM na nagkaroon ng isang casualty mula sa Mandaon, Masbate ndahil sa nagdaang bagyong Paeng.

Namatay matapos malunod ang nasawi na si Ronito Arguilles, 60 anyos at residente ng Brgy. Dayao ng nasabing bayan.

Kumpirmado rin  mula sa OCD Bicol na mayroon ding isang mangingisdang nawawala matapos ang bagyo na pinangalanang si Jaspher Montañez mula sa Mercedes, Camarines Norte.

Maliban dito, labindalawa naman ang nasugatan dahil sa bagyo sa mga lalawigan ng Sorsogon, Catanduanes at Camarines Norte.

Dagdag pa nito, umabot na sa P701,412,844.38 ang halaga ng mga napinsalang pananim, livestock, fisheries at iba pa ayon sa partial damage report ng Department of Agriculture (DA) Bicol. 

Nasa mahaigit P376M naman ang naiulat na pinsala sa mga imprastraktura tulad ng mga tulay at flood control sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.

Ayon naman sa Philippine Coast Guard Bicol, nasa 1,703 na mga pasahero, 7 bus, 349 trucks at 223 light vehicles ang stranded sa Maharlika Highway ngunit sila umano ay nakakapagbyahe na.

Umabot naman sa 51 flights papunta at paalis ng Bicol ang nakansela dahil sa bagyong Paeng mula Oktubre 28 hanggang Oktubre 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *