Lapid-Villamor slay case prelim probe sa DOJ, pinapaliban dahil sa maling pangalan ni Bantag

Walang naganap na preliminary investigation ngayong araw sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa kasong pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at sa sinasabing middleman na si Jun Villamor.

Ito ay makaraang magkamali ang pangalan ni suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag sa subpoena na ni-release ng DOJ.

Imbis kasi na ‘Quitaleg’ ang middlename nito sa order, ‘Soriano’ ang nakasulat dito.

Dahil diyan, ni-reset sa December 5 ang pagpapatuloy ng preliminary probe hinggil sa kaso.

Ayon sa abugado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, nangangahulugan lamang ito na ibang tao ang sinilbihan ng subpoena at hindi ang kanyang kliyente.

‘Hindi fatal’ ang error

Kinontra ng DOJ ang pahayag ni Balisong na ‘fatal’ ang naging error sa supboenang inisyu nila.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit, hindi naman ito makaaapekto sa mga kasong kinahaharap ni Bantag.

Aniya, na-cure na rin naman ito, at naibigay na rin ang corrected subpoena sa kampo ni Bantag.

Bibigyan ng sampung araw si Bantag para makapagsumite ng kanilang counter-affidavit.

Pahihintulutan din ng prosecution na virtually lang ang pagdalo nito sa susunod na pagdinig.
#

RELATED STORIES:

Bantag, ‘di raw dadalo sa DOJ prelim probe re:Lapid-Villamor slay case

Bantag, maggiging ‘wanted’ na kung ‘di pa susuko – SOJ Remulla

DOJ: SJO2 Zulueta, buhay at hindi patay!

Kampo ni Bantag, tinanggap na ang subpoena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *