Lapulapu, isang Tausug ayon sa Pangulo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na miyembro ng Tausug tribe sa Mindanao si Lapulapu na kasama sa mga dumipensa sa Cebu mula sa pananakop ng España.

Sa talumpati ng Pangulo sa Camp Brigadier General Gonzalo Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay natanong niya kung sino ang nag-angat sa status ni Lapulapu.

Anya, kung maalala ng mga otoridad sa lugar ay dati niyang sinabi na walang national hero ang mga taga-Mindanao.

Pero iginiit ng Pangulo na itinaas na niya ang status ni Lapulapu na isa anyang Tausug.

Ipinunto naman ng Pangulo na proud ito sa nagawa ni Lapulapu para sa bansa, kung kaya’t may medalya na hango mula sa pangalan nito.

Matatandaan na inobserbahan ng Pilipinas ang ika-500 anibersaryo ng pagkapanalo sa Mactan at ang pagpapakilala ng Kristyanismo sa Pilipinas.

Matatandaan na humingi ng paumanhin si dating senador Bong Go noon matapos nitong sabihin na isang Tausug si Lapulapu sa isang event sa Lapu-Lapu City noong nakaraang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *