Foreign Affairs, dapat ipinauubaya na lamang sa DFA ayon kay Locsin

Binigyang diin ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na dapat ay ipinauubaya na lamang sa DFA ang unaman usapin na may kinalaman sa Foreign Affairs.

Sinabi ni Locsin sa kanyang tweet na ito na ang kanyang huling babala.

Inihayag ito ng kalihim bilang reaksyon sa tweet ni UP Law Professor Jay Batongbacal kung saan ay sinabi nito na ang mga pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kontra sa mga diplomatic protests na inihain ng DFA para sa Pilipinas nitong mga nakalipas na linggo.

Ang tinutukoy ni Batongbacal sa tweet ay ang sinabi ni Roque na hindi bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef at ang China at Vietnam naman talaga ang nag-aagawan sa nasabing teritoryo.

Matatandaan sa naghain ng diplomatic protest ang DFA matapos maispotan ang mahigit 200 barko ng China malapit sa Julian Felipe Reef.

Doon ay iginiit ng DFA na nasa loob ng Kalayaan group ang Julian Felipe, na kabahagi naman sa EEZ ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *