Larawang may caption na: ‘Meron sunog sa may malapit sa munisipyo ng San Pedro’, kinagiliwan ng mga netizen

Viral ngayon sa isang social media platform ang isang babae na nagpost ng kaniyang selfie na may caption na “Meron sunog sa may malapit sa Munisipyo ng San Pedro,” nitong Sabado, Marso 9.

Ang babae sa likod ng post ay si Gloria Hemedez, residente ng San Pedro, Laguna.

Bagaman totoong may sunog sa nasabing lugar noong nasabing araw, wari’y naging katatawanan ang naging post sapagkat imbes na litrato ng nasusunog na lugar ay selfie niya ang kanyang inilagay.

Umani ng samu‘t saring komento na umabot sa mahigit 23K comments at mahigit 52K shares.

Ang mga komento ay naglalaman ng kaniya-kaniyang litrato o memes na may mga nakakatawang caption, katulad ng “OTW NA PO NAY, SORRY LATE NA PO NALASING PO KAGABI..”

Samantala, kaugnay naman sa pagdiriwang ng fire prevention month, paalala sa mga netizen na ipagbigay agad sa Bureau of Fire and Protection o BFP  kung mayroong maitalang sunog para marespondehan agad. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *