Libo-libong muslim sa Naga at Camarines Sur makikiisa sa pagsisimula ng Ramadan

NAGA CITY –Inaasahan ang libo-libong Muslim sa Naga at Camarines Sur ang makikiisa sa pagsisimula ng Ramadan o ang buwan ng pag aayuno sa mga kaniya-kaniyang Mosque.

Ayon kay Mike Mustapha, ang Federation Presidente ng Camarines Sur Muslim Community at Head ng Muslim Affairs Office sa Naga City, sinabing halos lahat pwedeng mag ayuno bata man o matanda basta’t muslim. Aniya maraming mga protocol ang ipapatupad na dapat sundin sa pag aayuno.

Sa Naga at Camarines Sur, nasa humigit kumulang limang libo ang bilang Muslim, at mas dumadami na ang mga nakikiisa sa banal na pagdiriwang.

Samantala nilinaw ng Malacañang na ang Marso 11, 2024 ay hindi idiniklarang holiday, taliwas sa kumakalat na proclamation na nagsasabing holiday ang pagsisimula ng Ramadan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *