LIBU-LIBONG HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT SA ISANG STREET LEVEL INDIVIDUAL

Arestado ang isang tinaguriang street level individual matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Tuguegarao City Police Station sa Barangay Ugac Sur.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, ang naaresto ay kinilala sa alyas na Boyet, 53-anyos at residente sa naturang lungsod.

Positibo umanong nabili ng nagpanggap na poseur buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Bukod dito, nakumpiska pa mula sa kay Boyet ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, cellphone, at mountain bike.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang P14,000.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Tuguegarao City Police Station ang naaresto para sa karagdagang dokumentasyon kung saan napag-alaman na ito na ang pangatlong beses ng paglabag nito sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *