Limited face-to-face classes sa Naga City, itinigil muna

NAGA CITY-Itinigil na muna ang limited face-to-face classes sa Naga City dahil sa Alert Level 3 quarantine classification nito matapos na tumaas ang kaso ng COVID-19  sa una at ikalawang linggo ng taong 2022.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Department of Education Naga City Division Superintendent Dr. Manny De Guzman.

Aniya ang kaisa-isang may limited face-to-face na Panicuason Elementary School ay balik na muna sa modular learning. Ito rin ang nais ni Mayor Nelson Legacion lalo pa’t hindi pa naman nababakunahan ang mga nag eedad 5-11 anyos.

Subalit sinabi ni De Guzman na tuloy pa rin ang kanilang paghahanda sa expanded F2F. Oras na wala na muling kaso sa Barangay Panicuason at bumaba pa ng husto ng kaso sa lungsod babalik na ang klase sa naturang paaralan at muling mag papaassess para sa karagdagan pang eskwelahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *