Local IATF ng Olongapo, nanindigang di tatanggap ng mga walk-ins sa mga vaccination site

OLONGAPO-Nanindigan ang Inter-Agency Task Force Againts Covid-19 na hindi maaring tumanggap ng mga walk-ins na gustong magpabakuna kontra covid-19 sa tuwing may gaganapin vaccination sa Olongapo.

Ito ay kahit pa marami ang nananawagan na payagang mabakunahan ang mga walk-ins para mas mapabilis na matapos ang vaccination sa lungsod.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, noong una ay tinatanggap ang mga pumipilang indibidwal pero dahil ipinagbawal ng national IATF kaya hindi na papasukin sa mga vaccination sites ang mga walang appointment.

Matatandaan, umangal ang mga indibidwal na nauna nang nakapag-palista pero dahil sa limitadong bilang ng mga bakuna kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-pabakuna kontra covid-19.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *