Libo-libong mga Muslim sa Naga at Camarines Sur magtitipon sa selebrasyon ng  Eid’l Fitr

NAGA CITY – Magtitipon muli ang mga Muslim sa Naga City at sa Camarines Sur, para sa pagdiriwang ng  Eid’l Fitr o ang pormal na pagtatapos ng Ramadan na isa sa mga haligi ng Islam.

Ipagdiriwang na lamang ito sa Sabado Abril 22, 2023 matapos na hindi nakita ang buwan sa isinagawang moonsighting kagabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mike Mustapha, Federation President ng Camarines Sur Muslim Community at Head ng Muslim Affairs Office sa Naga City, binanggit na nagpapasalamat sila dahil naging mapayapa ang mahigit isang buwan napag-aayuno.

Ang mga nasa Naga ay magtitipon muli sa Mosque sa Muslim Compound Concepcion Pequeña para sa panalangin at salu-salo.

Ayon kay Mustapha nasa isang libo na sila sa lungsod maliban pa ito sa pamilyang bumalik muna sa Marawi. Ang nasa aabot namang sa 3, 000 sa Camarines Sur ay sa malaking Mosque, tulad na lamang sa Libamanan at Calabanga.

Sa pagdiriwang ng Eid al fitr sa lungsod, nagsasama-sama ang mga mananampalatayang Muslim hindi lamang para sa kanilang okasyon kundi sa hiling ng pagkaka-isa ng mga Pilipino at kapayapaan sa bansa at patuloy na pagbangon sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *