Lolo, nabangga ng Hilux sa Narra, Palawan- Patay!

Patay ang isang 65 anyos na Lolo matapos mabangga ng isang Hi-Lux sa National Highway ng Barangay Sandoval sa Bayan ng Narra, Palawan nitong gabi ng Huwebes, February 9, 2023.

Kinilala ng pulisya ang driver na si Sorbabel Tokol Amislong, 54 anyos na residente ng Purok Salisi, Barangay. Maasin sa Quezon, Palawan.

Habang ang biktima ay kinilala na si Peter Colimbo Moncatar, na residente ng Purok Masagana, Barangay Sandoval, Narra.

Sa imbestigasyon ng Narra PNP, nagmula umano sa sur ang sasakyan na patungong norte subalit pagtapat sa lugar ay saktong papatawid na ang Lolo dahilan na mabangga ito ng sasakyan.

Dahil sa mga pinsala sa katawan ay hindi n a ito umabot pa nang buhay sa pagamutan, ayon sa attending physician.

Ang drayber ay nahaharap sa Reckless Imprudence Resulting in Homicide na hawak na ng Narra MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *