Magayon Festival 2023 sa Albay, magiging espesyal – Albay Gov. Lagman

LEGAZPI CITY – Tiniyak ni Albay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman na magiging espesyal ang pagdiriwang ng Mayon Festival 2023 ngayong taon, dahil pinaplantsa na lamang ito ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) at Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa gobernador, bagong edisyon ang masisilayan, kung saan magpapakita ito ng kagandahan, katatagan, at diwa ng mga Albayano at magbibigay din ng saya, pananabik, at pagkakataong isulong ang kultura at sining sa lalawigan.

Sisimulan ito sa pamamagitan ng isang misa ng Magayon Thanksgiving, pagtatanghal sa kalye, grand opening concert, drum at lyre corps parade, at military parade competition.

Kasama rin dito ang mga trade fair at exhibit, LGU cultural nights, at agri-fiesta na magpapakita ng pinakamahusay na lokal na produkto at souvenir items ng 15 bayan at tatlong lunsod sa lalawigan.

Inihahanda rin ng pamahalaan ang para sa tennis tournament, trade fair food stall at beer plaza, job fair, band fest, UFC mixed martial arts, basketball tournament, fun run, football tournament, Magayon artists’ industry forum, at Governors Award, isang pagkilala sa lahat ng Albayano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *