Magnanakaw sa Naga City, Cebu – sinakal ng bumbero, patay

CEBU- Mailap ang suwerte ng isang magnanakaw matapos itong mapatay nang mahuli ng may-ari ng bahay na isang firefighter sa Sitio Sto.Niño, Brgy.Inayagan, Naga City Cebu.

Ang napatay na magnanakaw ay kinilalang si James Lowen Mayan Jr, 20-anyos at residente ng barangay Tulay, Minglanillla Cebu.

Habang ang may-ari ng ninakawang bahay na isang bombero ay si Fire Officer I Terencio Lape na miyembro ng Cebu City Fire Office.

Dahil sa nagawa ng bombero, pansamantala itong naka-hold sa Naga Police Station habang isinagawa ang imbestigasyon.

Sa inisyal na report ng pulisya, nagtamo ng sugat ang bombero matapos itong kagatin ng magnanakaw ng mahuli ito.

Gumanti naman ng sakal si Lape dahil upang mawalan ng malay at binawi-an ng buhay ang suspek.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *