Mahigit 100 Barangay sa Pampanga, nakakaranas ng pagbaha

Aabot sa mahigit 108 na barangay sa lalawigan ng Pampanga ang nakakaranas ngayon ng tubig baha.

Ito ay dahil umano sa walang patid na pag ulan dulot ng hanging Habagat, pag apaw ng Pampanga river na sinabayan pa ng high tide.

Sa inilabas na report ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, karamihan sa mga barangay na binabaha ay mula sa bayan ng Masantol na may 25 flooded barangays, Macabebe 21, Lubao 15, Mexico 1 at pito sa bayan ng Apalit.

11 namang barangay ang hindi rin nakaligtas sa tubig bahay sa bayan ng Guagua, apat sa Bacolor, 12 sa Minalin, pito sa Sto Tomas at lima sa bayan ng San Simon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *