Mahigit 100 benepisyaryo sa Albay, nakatanggap ng livelihood starter kits mula sa DTI Bicol

LEGAZPI CITY – Aabot sa isang daan at pitumpu’t siyam na mga benepisyaryo sa Albay ang nakatanggap ng livelihood starter kits na isinagawa sa Daraga Covered Court.

Ayon kay Mayor Awin  Baldo ng Daraga, ang mga ipinamahagi na livelihood sa mga benepisyaryo ay isang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program (PPGP) mula sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang mga benipisyaryo sa nasabing programa ay mula sa lunsod ng Tabaco, Legazpi, Ligao habang ang mga mula sa bayan ng Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Sto. Domingo, Manito, Camalig, Jovellar, Oas, Libon, Pioduran at Daraga ay nakatanggap ng Food Processing Kits, Sari-sari store kits, Piggery Kits, Salon/Barbershop Kits, Fish Processing Kits, Bamboo Processing Kits, Peanut Butter kits at Massage kits.

Ang mga nabigyan ng tulong ay mula sa Indigenous People, dalawampu’t walong special sectors, labinlimang out of school youths, 10 PWDs at 10 rebel returnees.

Pinasalamatan naman ng opisyal ang DTI sa magagandang programa na ibinigay upang makapagsimula ang mga micro-entrepreneurs.

Samantala, pinangunahan ng DTI sa pamumuno ni Provincial Director Dindo G. Nabol ang nasabing distribusyon.

Ang DTI-PPGP umano ay isa sa mga livelihood seeding and entrepreneurship development programs para sa mga maliliit na negosyo o micro-enterprises sa mga prayoridad na komunidad o lugar na naapektuhan ng mga kalamidad o health disaster tulad ng COVID-19.

Layunin nito ay makapagbigay ng tulong at asistensya upang agad na maka-recover ang maliliit na negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *