Mahigit 335K na Sorsoganon, target ng DOH-Bicol para sa health assessment at intervention

Target ng Dept of Health Bicol ang kabuuang 355, 868 na Sorsoganon para sa health assessment sa pamamagitan ng Phil Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions o PhilPEN na magsisimula ngayong araw,  Marso 1-31.

Ayon sa hepe ng DOH-Bicol Non-Communicable Disease Control and Prevention Cluster at pinuno ng Health Promotion and Communication Cluster na si Dr Monrey Isaiah Mancilla, layunin ng aktibidad na mabigyan ng maagang pagsusuri, pamamahala at paggamot sa iba’t-ibang sakit na maaaring nagpapahirap sa mga indibidwal na may edad 20-anyos pataas.

Sinabi pa ni Mancilla na magpapatupad sila ng house to house mass PhilPEN risk assessment strategy.

Bunsod nito, hinikayat ng opisyal ang mga Sorsoganon na lumahok sa aktibidad at magpa-screen sa pinakamalapit na health center.

Nagbigay payo ito na ang pagpapanatili ng malusog na diyeta, pisikal na aktibidad at pag-iwas sa mga produktong alak at tabako ay mahalaga din sa paglaban sa Non-Communicable Diseases (NCD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *