Mahigit 3K agrarian reform benefiaries sa registry system, dapat maisama sa lista sa pagtatapos ng taon – DAR Bicol

LEGAZPI CITY – Target ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol ang hindi bababa sa 3, 438 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na dapat mailista sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) sa pagtatapos ng taong 2022.

Ayon kay Geri Buensalida, Regional Information Officer ng nasabing tanggapan, hinihikayat nila ang mga miyembro at hindi miyembro ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) na mag-enroll sa RSBSA upang madali silang maka-avail ng tulong ng gobyerno.

Aniya, tinatawagan din nito ang mga hindi miyembro ng ARBOs sa kanilang mga lokalidad na makipag-ugnayan sa mga municipal offices upang malaman ang tungkol sa pagpaparehistro.

Ang RSBSA ay isang elektronikong database na naglalaman ng pangunahing impormasyon para sa mga magsasaka, mangingisda, at manggagawa sa agri-fishery, gayundin ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan para sa mga target na benepisyaryo.

Ito ay kinakailangan para sa pagkuha ng mga serbisyong nauugnay sa agri-fishery mula sa mga ahensya ng gobyerno, at mga pribadong kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *