Mahigit P18M halaga ng cocaine sa bagahe ng isang Pinay, nakumpiska ng mga awtoridad sa NAIA

Mahigit labing walong milyong pisong halaga ng cocaine ang nakumpiska ng mga awtoridad sa bagahe ng isang Pinay na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa ulat ng BOC, dumating ang Pinay sa bansa mula sa Addis Abiba, Ethiopia sakay ng Ethiopian Airlines kahapon.

Nang isailalim na sa mahigpit na screening at K9 inspection ang kanyang bagahe, doon natuklasan ang nasa 3,454 grams ng cocaine na may tinatayang halaga na Php18,306,200.00.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang isasampang kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *