7,000 mga sundalong Pilipino at Amerikano lalahok sa PH-US ‘Balikatan’ exercises

Mahigit 17, 000 mga sundalong Pilipino at Amerikano ang inaasahang lalahok sa pinakamalaking joint training exercise ngayong taon.

Ayon sa tagapagsalita ng Balikatan 2023 na si Col. Michael Logico, magkakaroon ng humigit-kumulang 17,600 na mga sundalo mula sa bansa, kabilang ang mga 12,000 mula sa Estados Unidos ang makikiisa sa Balaikatan exercises sa April 11 hanggang 28.

Isang daan pa mula sa puwersa ng Australia defense ang lalahok sa land-based exercises

Sinabi pa ni Logico na bukod sa mga karaniwang pagsasanay, magkakaroon din ng cyber defense activities na hindi ginawa sa mga nakaraang taon.

Idinagdag niya na ang Pilipinas ay magsasagawa rin ng live-fire exercises sa karagatan kasama ang mga tropang Amerikano sa unang pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *