Mainit na panahon asahan sa malaking bahagi ng PH

Asahan ang mainit at maanlinsangang panahon sa Luzon, habang ang ilang bahagi naman ng Palawan, Visayas, at Mindanao ay makakaranas ng bahagyang pag-ulan.

Ayon kasi sa Pagasa, ang Visayas at Mindanao, ay apektado parin ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Ang Metro Manila ay makakaranas ng mainit na panahon, kung saan ang temperatura ay maglalaro sa 26 hanggang 35 degrees Celsius.

Samantala, sinabi naman ng weather bureau na posibleng mabuo ang low-pressure area sa southern part ng bansa, bagama’t ito ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *