Maitatalang COVID-cases sa Naga i-pipresume bilang Delta variant; mas agrisibong COVID-response asahan

NAGA CITY-  Lahat ng maitatalang COVID-19 cases ay ipi-presume bilang delta variant upang maging doble ang pag-iingat at maging mas anggkop ang nararapat na aksyon para sa mga pasyente o mga suspected cases.

Ito ang inihayag sa isang press conference ni Mayor Nelson Legacion. Kaya kasunod nito asahan ang mas agrisibong COVID-response. Isasarang muli ang mga pangunahing Plaza tulad ng Plaza Rizal, Quezon at Quince Martires hanggang sa Aug. 31. Simula Aug. 15 naman , ang mga fully vaccinated lamang na mga senior citizen ang papayagang lumabas para sa mga importanteng lakad.  Ang mga 17-anyos at pababa ay hindi maaaring lumabas kung hindi rin essential ang lakad. Alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga ang curfew hours.

Bukod sa mga sintomas ng regular na variant kasama sa sintomas kapag Delta variant na ang tumama ang pagsusuka, severe body pains at diarrhea ayon sa City Health Office.

Ipinaliwanag ni City Health Officer Dr. Butch Borja na ang presumption ay daan din para mag-ibang approach. Pupuntahan na sa bahay ang mga suspected cases upang isaillaim sa RT-PCR test. Ang samples ay dadalhin sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) at sila na ang mag dedetermina nito kung ang sample ay daraan sa genome sequencing base sa kanilang criteria. Hindi ang City Health Office ang mag dedetermina, presumption lamang para sa mas agresibong hakbang tulad sa mga patakaran sa pag quarantine ng pasyente pati close contacts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *