Makabayan bloc, naghain ng resolusyon para ipanawagang bawiin ang government’s terrorist tag sa mga rebeldeng komunista

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc para ipanawagan ang pagtanggal ng government’s terrorist tag sa mga rebeldeng komunista upang bigyang daan ang usapang pangkapayapaan na anila ay magpapatupad ng mga repormang panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika upang matugunan ang ugat ng armadong tunggalian.

Ayon sa Makabayan, dapat tawagin ng pansin ng House ang Anti-Terrorism Council at bawiin ang mga resolusyon na nagtatalaga sa CPP-NPA-NDF at mga indibidwal na nauugnay sa kanila bilang mga terorista.

Ang peace talks na nagsimula muli sa administrasyong Duterte na may malaking pag-asa noong 2016 ay natigil noong 2017 dahil sa umano’y ceasefire violations.

Matatandaang kamakailan , idineklara bilang terorista ng ATC ang community doctor na si Natividad Castro. Iginiit ng konseho na siya ay isang rebelde sa kabila ng suporta mula sa Philippine medical community sa trabaho na kanyang ginagawa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *