Malacañang, nagdeklara ng 10-day national mourning re: Pagpanaw ni ex-PNoy

Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng 10-day period ng national mourning para sa kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na pumanaw dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Duterte ang Proclamation No. 1169, na nagtatakda sa Period of National Mourning, mula June 24, 2021 hanggang July 3, 2021.

Kaugnay nito, naka half-mast rin ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng government buildings at installations sa buong Pilipinas at abroad sa loob ng sampung araw.

Sa ceremonial signing ng mga panukala, nakiisa si Duterte sa pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *