Mambabatas, tiniyak na ipa-prayoridad ang umento sa sahod ng mga guro

Sa gitna ng isinusulong ng ilang mga grupo at opisyal na muling i-revie ang implementasyon ng K-12 program – tiniyak ng isang mambabatas na tutuunan din nito ng pansin ang mga hinaing ng mga guro partikular na ang kanilang sahod.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sakali mang repaso na ang K-12 system, kinakailangan na ring silipin ang mungkahing taasan na sahod ng mga teachers sa Pilipinas.

Aniya, dapat ay masolusyunan na ang kakarampot na iniuuwi ng mga guro at iba pang staff at faculty sa pang-araw araw.

Binanggit ni Castro na taon taon aniya ay tinataasan ang pondo para sa edukasyon at sa K-12, pero ‘di naman tumatas ang sahod ng mga guro.

Dahil dito, tiniyak ng mambabatas na isa ito sa mga uunahin niya sa pagpasok ng 19th Congress, pati na rin ang problema sa kakulangan ng mga pasilidad at silid-aralan sa ating bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *