Manchineel Tree kinilala bilang pinaka-mapanganib na puno sa buong mundo; ang bunga nito, nakamamatay  

KINILALA ng Guinness ang Manchineel Tree mula sa Caribbean at Gulf of Mexico bilang pinaka-mapanganib na puno ng kahoy sa mundo kung saan ang bunga nito ay maari umanong ikamatay nang sinumang makakain dahil sa epekto nitong nagdudulot ng pagkakasugat-sugat sa labi at lalamunan.

Nakuha ng nasabing puno ang pangalan nito mula sa French word na  manzanilla na ang ibig sabihin ay little apple o manzanilla dela fuerte na ang ibig sabihin naman ay little apple of death, samantala nakilala din ito sa tawag na beach apple dahil karaniwan umano itong tumutubo sa mga beaches o tropical climes.

Ayon naman sa mga dalubhasa kapag nakakita ng ganitong klaseng puno ay agad nang ilayo ang sarili, bukod kase sa mapanganib na bunga nito, ang dagta ng katawan nito ay nagdudulot naman ng pagkabulag ng mga mata at pagkapaltos ng balat, kapag umuulan naman mahigpit na ipinagbabawal rin ang pagsilong dito dahil sa ang usok na prinoproduce ng kahoy na ito ay may masamang dulot rin sa mga mata and worst ay maari ring ikabulag.###CD  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *