Mandatory evacuation sa Batangas, hindi pa kailangan – DOST

Nilinaw ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum na wala pang nakikitang dahilan para magkaroon ng mandatory evacuation sa mga lugar na malapit sa Bulkang Taal.

Ito ay sa kabila ng muling pagbubuga nito ng abo at usok sa mga nakalipas na araw na nag-resulte sa makapal na ‘vog’ ‘o ‘yung volcanic smog.

Sa panayam, sinabi ni Solidum na wala pang indikasyong ipinakikita ang Bulkan para ito ay muling magkaroon ng malakas na eruption.

Sa kabila nito, tiniyak ng Kalhiim na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon ng Bulkan.

Muli naman nitong pinayuhan ang mga residente sa Batangas at mga kalapit na lugar na umiwas na muna sa outdoor activities at ugaliing magsuot ng face masks para hindi maapektuhan ng vog.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *