Marc Pingris, nagretiro na sa basketball

Inanunsyo ni Marc Pingris, na isa sa mga big men ng kanyang henerasyon sa PBA, na tutuldukan na nito ang kanyang 16 na taong career sa PBA.

Inihayag ng 39-anyos na basketbolista ang kanyang retirement sa Instagram kagabi (May 25, 2021).

Sinabi ng nine-time PBA champion na naalala niya pa ang panahon na natawag siya sa 2004 PBA Draft.

Anya, doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang tulad niya na isang “batang palengke”.

Iginiit ni Pingris sa kanyang post na 16 years na siyang nasa PBA, at ngayon, ay panahon na para naman simulan niya ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

Pinasalamatan naman ni Pingris ang lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang kanyang pamilya, coaches, at fans.

Kung maalala ay na-draft si Pingris sa FedEx Express.

Nakapaglaro rin siya para sa San Miguel Beer, ngunit sa Purefoods talaga niya naranasan ang mga pinakamahusay na taon sa kanyang career.

Nakamit ng Purefoods noon, sa tulong ng 6-foot-forward, na makamit ang pitong titles kabilang na ang Grand Slam noong 2014.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *