Panalanging magwakas na ang krisis, dala ng mga Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Naga City

NAGA CITY- Apektado ang bawat pamilyang Pilipino ng krisis dala ang pandemya dahil sa COVID-19 , gayundin ang mga pamilyang muslim sa Naga City. Kaya naman ngayong ipinagdiriwang ng mga nasa pananampalatayang Islam ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice , baon nila ang panalanging magwakas na ang krisis.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mike Mustapha ng Muslim Affairs Office , sinabi nitong labis ang sakripisyo nila sa bagsak na ekonomiya ng bansa lalo pa ang mga maliliit na negosyante sa lungsod na ang iba rito ay mga bakwit pa mula Marawi.

Simple lamang ang pagsasalo-salo ng maraming pamilya. Yung iba naman ay tutulong na lamang sa pagkatay ng mga Halal na hayop.

Paalala ni Mustapha sa mga mananalagin sumunod sa health protocols. Hindi man aniya tulad ng mga nakaraang taon ang selebrasyon dala pa rin ang kahulugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *