Maternal deaths bumaba ngayong taon, PHO target na hindi na ito madagdagan pa

Bumaba ang bilang ng maternal deaths sa nakalipas na dalawang quarter ngayong taon sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa tala ng Field Health Services Division ng Provincial Health Office at John Hopkins Program for International Education in Gynecology and Obstetrics o JHPIEGO, 20 ang bilang ng maternal deaths simula nitong January hanggang ngayong buwan.

Mas mababa ito sa mga parehong quarter ng 2020 na mahigit 100 ang naitalang maternal deaths sa lalawigan, 130 nitong 2021 at 70 nitong 2022.

Ayon kay Dr. Edric Ian Vargas, Rural Health Physician ng Field Health Services Division ng PHO at Julie Passi, Project Officer ng JHPIEGO target nilang hindi na ito madadagdagan pa bago matapos ang 2023.

Nagsagawa na umano sila ng mga pagsasanay sa mga doctors, nurses, mga midwives, at BHWs lalong-lalo na sa mga emergency cases ng mga buntis o manganganak.

Ayon pa kay Dr. Vargas, pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng maternal deaths ay ang pagiging high risk ng mga Nanay dahil sa Hypertension at post partum hemorrhage ng mga Nanay.

Malaking tulong aniya ang bluebook na kanilang ibinibigay sa mga health workers upang mapalawak ang kaalaman ng mga ito sa pagpapatupad ng tamang interventions sa mga nagdadalangtao at manganganak na mga Nanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *