Vic Sotto, binasag na ang katahimikan sa isyu ng ‘Eat Bulaga’ at ang napapabalitang pagreretiro niya

Binasag na ni Vic Sotto ang kanyang pananahimik sa mga posibleng pagbabago sa “Eat Bulaga,” at nagbigay ng maikling komento sa kapalaran ng longest-running noontime show sa bansa.

Sa ulat, sinabi ni Bossing na “‘Eat Bulaga’ is here to stay.”

Dagdag pa ni Vic, hindi pa siya nagreretiro sa show business.

Marami pa umano ang nais niyang matulungan at ma-entertain.

Ang inilabas na pahayag ni Bossing ay sa gitna ng pagbabago sa mga executives sa loob ng TAPE Inc., na siyang production company sa likod ng “Eat Bulaga.”

Nauna ng sinabi ni Bullet Jalosjos, ang Chief Finance Officer ng TAPE Inc., na ito ay “rebonding” at hindi “rebranding.”

Sinabi rin ni Bullet, mananatili sa noontime show ang mga original hosts na sina Vic, Tito Sotto, at Joey de Leon.

Batay sa kontrata sa TAPE production company, ang “Eat Bulaga” ay magpapatuloy sa GMA hanggang 2025.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *