May-ari ng sari-sari store sa Legazpi City, arestado dahil sa pagbenta ng iligal na droga

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang may-ari ng sari-sari store sa dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa lunsod ng Legazpi.

Nahuli ang suspek na si alyas “Patpat” sa pagtutulungan ng Legazpi CPS, at iba pang mga otoridad kasama ang PDEA Bicol.

Batay sa impormasyon, pinagbentahan ng suspek ang pulis na nagpanggap na buyer ng humigit-kumulang 10g ng hinihinalang “shabu” na aabot sa PHP70,000 halaga na naging dahilan ng agarang pagkakaaresto sa kanya.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na isasampa sa kanya.

Dinala naman ang suspek kasama ang narekober na mga drug items sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *