Mayorya ng mga taga Camarines Norte mas nais pa ring panatilihin ang pagsusuot ng face mask

CAMARINES NORTE- Mas pinipili pa rin ng mga taga- Camarines Norte ang patuloy ng pagsusuot ng face mask bilang tugon sa naging pahayag ni Dr. Rontgene Solante ng DoST na kung patuloy sa pagbaba ang mga kaso ng nakahahawang virus sa Pilipinas ay maaari nang tanggalin ang mask mandate.

Bagamat ang Camarines Norte ay zero case sa COVID-19 ngayon nananatili naman sa alert level 2 status ang lalawigan, ito ay dahil na rin sa nasa 68 porsiento pa lamang ang immunization coverage habang sa senior citizen ay nasa 64 porsiento pa lang.

Sa naging pahayag ni PHO Dr. Arnel Francisco ng CNPH, Kailangang maabot ang 80 porsiento na mabakunahan ang pangkalahatang target population gayundin sa senior citizen upang maibaba na ang lalawigan sa Alerl Level 1.

Mababa pa rin umano ang accomplishment ng lalawigan pagdating sa booster dose kaya ito aniya ang pagtutuunan ngayon ng pansin ng PHO

Kaya’t patuloy pa ring ipinananawagan ng opisyal ang pagsunod sa health protocols partikular na ang pagsusuot ng face mask

Naiintidihan naman ng mga mamamayan ng Camarines Norte ang kasalukuyang situwasyon kung saan ayon sa naging komento ng mga ito mas mabuti na ang magsuot ng  facemask lalo na sa mga  lugar kung saan madaming tao kagaya sa mga kasentruhan, palengke, mall at iba pa

Isa naman sa mga nakikitang advantage ng mga nais pa ring magsuot ng facemask ay hindi lamang laban sa COVID-19 ang maibibigay na proteksyon nito kundi maging sa iba pang sakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *