Mga bagong kaso ng COVID sa Pilipinas, tumaas ng halos 10%

Tumaas ang daily new COVID-19 cases sa Pilipinas ng 9.9 percent at ang bilang ng severe at critical patients ay tumaas rin noong nakaraang linggo.

Batay sa latest bulletin ng DOH, nasa 718 o 12.9 percent ng COVID-19 patients sa mga ospital ay severe at critical condition.

Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa naunang linggo na 588 severe at critical patients na bumubuo sa 10.9 percent ng COVID-19 hospital admissions sa panahong iyon.

Ayon sa DOH, may kabuoang 432 o 15.4 percent ng 2,812 intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients ang okupado.

Mulan naman noong May 16 hanggang 22, nagtala ang Pilipinas ng 1,214 new COVID-19 cases o average na 173 per day, na 9.9 percent naman na mas mataas kumpara sa mga kaso na napaulat mula noong naunang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *