Mga batang positibo sa COVID-19 sa lungsod dumarami-IMT

Inihayag ni Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca na dumarami ang naitatalang positibo sa COVID-19 na mga bata dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Aniya, noong nagkaroon ng outbreak o pagdami ng aktibong kaso ng COVID-19 noong mga nakaraang buwan ay kunti lamang ang mga batang positibo sa virus.

Subalit simula ng tumaas ngayong buwan ng Setyembre ang aktibong kaso sa Lungsod ay dumarami na rin ang mga bata na tinamaan ng COVID at mayroong palala na Pneumonia.

“Mayroon akong nakausap na doctor, noong last outbreak nitong Abril, May, June at July halos kunting-kunti lang ang mga bata na less than 10 years old ang nadadala sa ospital dahil sa malala ang kanilang COVID, pero since na nag-start tayo 10days ago, nag-start ang pagtaas ng kaso natin hindi na raw sila maubusan ng mga dinadalang bata na may COVID at mayroon ng palalang Pneumonia.” ani Dr. Dean Palanca.

Dagdag pa ni Dr. Palanca, kung sakaling mayroong Delta variant sa Lungsod ay posibleng mabilis din tamaan at mahahawaan ng virus ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *