Mga di pa nakaka tanggap ng National ID, pwedeng mag check sa Phlpost-PSA

Pinayuhan ng Philippine Statistics and Authority o PSA-Central Luzon ang publiko na maaaring i-check sa kanilang opisina o sa Phlpost ang kanilang national ID.

Lalo na sa mga inabot na ng ilang taon mula nang sila ay magpa rehistro.

Ayon kay John Rey Duay ang Statistical Specialist II ng PSA, minsan daw kasi ay nagkaka problema sa delivery kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ng ilan ang kanilang national ID.

Ilan sa posibleng rason ay kapag hindi ma-locate ang ibinigay na delivery address o kaya naman ay lumipat ng tirahan.

Kapag ganito daw ang nangyari, ibinabalik ng PhlPost sa PSA ang mga dapat sanang nai-deliver na national ID.

Samantala nilinaw ni Duay na sinusunod pa rin ang first come first serve basis pagdating sa printing ng mga national ID.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *