Mga empleyado ng MHO-Daraga sa lalawigan ng Albay, sumailalim sa ‘regular swab testing’

BNFM BICOL—Bilang bahagi pa rin ng pag-iingat at pag monitor sa kalusugan ng mga empleyado ngayong nariyan pa rin ang banta ng pandemya, isinagawa kahapon ng Municipal Health Office sa bayan ng Daraga, Alba yang ‘regular swab testing’ sa kanilang mga staff.

Sa isang panayam, sinabi ni Daraga Municipal Health Officer – Dr. Cesar Mata, na ang naturang hakbang ay bahagi ng kanilang layunin na maging ligtas sa COVID-19 ang mga frontliners na nagbibigay ng serbisyo medikal sa mga residente ng kanilang bayan. Mahalaga aniyang ma-monitor ang kalusugan ng mga ito lalo na at patuloy sa pagsusumikap ang mga health workers na mabakunahan kontra COVID-19 ang mas malaking bahagi ng populasyon ng kanilang lugar upang maabot ang herd immunity.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *