Mga eskwelahan pwede pa ring tumanggap ng late enrollees

CAMARINES NORTE- Inihayag ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na tatanggap pa rin ang mga eskwelahan ng late enrollees para sa School Year Year 2021- 2022 kahit magsisimula na ang klase ngayong araw.

Ayon kay Guemo, hangad pa rin ng SDO- Camarines Norte na malagpasan ang kanilang target enrollees ngayong school year na hindi pa umano umaabot sa isang daang porsiento.

Bagamat may mga eskwelahan namang lumagpas sa targeted numbers of enrollees ay mayroon din namang hindi umabot.

“Ang lahat ng mga paaralan ay pwede pa namang tumanggap ng mga late enrollees, so hopefully makahabol yung ating mga estudyante dahil hindi pa tayo nakakapag 100 % although there are some schools na sila ay nag more than the targeted numbers, pero may mga schools din na kulang pa,” ani Guemo sa programang DepEd hour.

Aminado naman si Guemo na batid nila ang negatibong reaksyon ng mga magulang sa distance learning.

Pero kung tutuusin daw ay mas nakakatipid pa nga ang mga magulang dahil hindi na mamasahe at hindi na kailangan ng uniporme

Gayunman, batid naman daw ng DepEd na mahirap sa mga magulang ang ganitong modality ng pag- aaral dahil sila ang nagsisilbing mga guro.

Kaya naman hinimok nito ang mga guro na paigtingin pa ang monitoring at mentoring gayundin ang follow- up sa performance ng mga estudyante.

Hindi na rin naman daw kasi magiging gaanong abala ngayon ang mga guro sa pag reproduce ng mga learning materials.

Batay sa datos ng DepEd nasa mahigit, 153, 700 ang magbabalik eskwela sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *