Natanggap na ng mga benipisyaryo ang kanilang Certificates of Nihongo Class and Completion para sa Japan Foundation Test for Basic Japanese.
Ito ay ang labing-siyam na benipisyaryo mula Olongapo City na nagsanay sa programa ng City Government sa pamamagitan ng Public Employment Service Office at iYES Language School β Subic.
Ayon sa Pamahalaang Panlungsod nasa tatlong buwan rin na nagsanay ang mga ito.
Ang natutunan ay kanilang magagamit sa mga posibleng opurtunidad para makapagtrabaho na may kinalaman sa Nihongo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Olongapo City Information Center
