Mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19, pumalo sa mahigit 3.2-million

Pumalo na sa mahigit 3.2-million na tao ang nasawi sa COVID-19 mula nang unang nagkaroon ng outbreak sa China noong December 2019.

Base ito sa tala ng iba’t-ibang official sources na inipon ng AFP.

Makikita rin sa mga datos na nasa mahigit 153.4-million na bilang ng mga narehistrong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Karamihan naman sa mga tinamaan ng COVID-19 ay gumaling na, ngunit meron iba ang patuloy na nakakaramdam ng sintomas nito makalipas ang ilang linggo o buwan.

Noong Lunes lamang ay naitala ang 10,340 na bagong nasawi at 682,324 na bagong mga kaso sa buong mundo.

Karamihan ng mga nasawi ay galing sa India na pumalo sa 3,449, sinundan ito ng Brazil na may 983, at Argentina na may 540.

Ang US pa rin ang pinakaapektadong bansa na may 577,500 deaths mula sa mahigit 32.4-million cases na naitala doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *