Mga negosyante sa Naga City ramdam pa rin ang epekto ng mataas na inflation rate

NAGA CITY –Balik-normal na ang pagnenegosyo sa Naga City matapos ang  COVID-19 pandemic subalit ramdam pa rin ang epekto ng mataas na inflation rate sa bansa.

May mga negosyong bumuti na ang lagay, may nakakabawi na ng kaunti at ang iba ay lugi pa rin.

Ganito ang paglalarawan ni SM City Naga Asst. Mall Manager Vincent Senora at kaniyang obserbasyon sa takbo ng ekonomiya sa lungsod, kasabay sa ginawang Trabaho Fair 2023, kahapon.  

Sa pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga kay Senora, sinabi niyang basehan ng pagbabalik na sa normal sa larangan ng pagne-negosyo ay ang job hiring na ginagawa ngayon ng mga local companies sa lungsod.

Anya’y ,ibig sabihin kaya ng kumuha ng mga empleyado ang mga negosyante dahil sa maganda na ang ekonomiya at tuloy tuloy ang pag-igi nito dahil katulong ang lokal na pamahalaan.

Bagamat hindi lahat ay bumuti na ang mahalaga ay nagsisipagbukasan na ulit ang mga negosyong sumara at nalugi sa kasagsagan ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *