MIAA, pinaghahandaan ang posibleng extension ng 6 na oras na airspace shutdown sa May 17

Pinaghahandaan ng Manila International Airport Authority  sakaling ma-extend ang scheduled six-hour airspace shutdown sa May 17 para bigyang-daan ang maintenance procedures.

Ayon kay MIAA OIC Bryan Co, halos 20,000 pasahero umano ang maaapektuhan sa maintenance activity, subalit maaaring bumaba ito.

Iniulat ng opisyal na sinimulan na ng airlines ang paglalathala ng retiming ng kanilang flights.

Kapag nakumpleto na ang maintenance activities, sinabi ng opisyal na kumpiyansa ang CAAP na magiging mas maaasahan ang air traffic system at maiiwasan ang outages.

Nauna nang inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines nitong Martes na isasara ang airspace ng bansa mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga para i-upgrade ang air traffic management system, kumpunihin ang automatic voltage regulator, at palitan ang uninterruptible power supply.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *