Michael Jordan, magdodonate $10-M sa isang foundation kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 60th birthday

Nakatakdang mag-donate ng $10-M sa Make-A-Wish Foundation ang NBA icon na si Michael Jordan kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 60th birthday.

Ayon sa Make-A-Wish America , ito na ang pinakamalaking individual donation sa 43-taong kasaysayan nito.

Si Jordan ay matagal ng tagasuporta ng foundation mula noong 1989 at may titulong Chief Wish Ambassador.

Nais matupad ng Make-A-Wish America ang pangarap ng mga batang may sakit. Gagamitin ang pondo upang makagawa ng endowment upang makatulong na tuparin ang mga hiling ng mga kabataan sa hinaharap na mayroong malubhang karamdaman.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *