#ML50 – pag-alala sa anibersaryo ng Martial Law Declaration

Sabay-sabay na idinaos ang iba’t ibang mga aktibidad sa buong bansa kasabay ng pag-alala sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.

Nakahanda na ang mga grupo sa idaraos nilang mga kilos-protesta at mga programa para igiit na hindi dapat malimutan ang mga naging paghihirap ng mga Martial Law victims sa ilalim ng diktadurya ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa University of the Philippines – Diliman naman, isinasagawa ang isang cultural event na pinamagatang ‘SING-KWENTA: Mga Kanta at Kuwento Tungkol sa Martial Law.

Nagkaroon din ngayong gabi ng documentary showing sa Bantayog ng mga Bayani.

Sa isa namang misa sa Ateneo de Manila University kaninang umaga, sa pamamagitan ng isang homily ay hinikayat ni Fr. Noel Vasquez ang mga nagsimba na manalangin para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Martial Law.

Hinikayat nito ang mga Atenista na gamitin ang kanilang mga angking talento’t talino para labanan ang historical revisionism.

Nagkaroon din ng ‘walking tour’ ang ilang mga kabataan sa mga Martial Law-related sites sa Metro Manila.

Pinangunahan naman nina dating DSWD secretary Judy Taguiwalo at Joel Lamangan serye ng mga film screenings at webinars para ipaalala ang tunay na nangyari sa ilalim ng Batas Militar.

Kinundena naman ng Kabataan party-lsit ang ‘di umano’y ginawang pagpapahinto ng Philippine National Police sa isa nilang film-showing event sa pasa

Bayan’s ka-Nato Reyes – nanindigang ‘di dapat kalimutan ang mga krimen ni Marcos Sr.

Nanindigan si BAYAN Sec. Gen. ka-Nato Reyes na hindi dapat malimutan ng mga Pilipino ang mga tunay na nangyari sa ilalim ng diktadurya ni Marcos Sr.

Sa pahayag, sinabi ni Reyes na hindi matatakasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga krimen na ginawa ng kanyang ama.

Aniya, kahit na magagamit ni Marcos Jr. ang pagdalo nito sa United Nations General Assembly sa Amerika para matanggap ng international community – hindi naman nito mabubura ang mga totoong nangyari sa ilalim ng pamumuno ng kanyang ama na si Marcos Sr.

Ngayong inaalala ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar, sisikapin umano nilang labanan ang ano mang uri ng disinformation ang historical distortion sa mga totoon nangya sa dikdaturya ni Marcos Sr.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Tanggol Kasaysayan convenor Francis Gealogo na hindi totoong ‘golden age’ ang Martial Law era.

Ang kanilang grupo na binubuo ng mga akademiko, historians, at mga mananaliksik ay nangakong lalabanan ang lahat ng mga paraan para burahin ang totoong kasaysayan.

Martial Law survivors: Tuloy ang laban.

Ito ang tiniyak ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA – samahan ng mga survivors ng Batas Militar kasabay ng pag-alala sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon nito ngayong araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na nagpapatuloy pa rin ang kasinungalingan at paggo-‘glorify’ sa rehimen ni Marcos Sr.

Ang bersyon umano ni Marcos Jr. na pagtawag nito ng ‘golden age’ sa martial law era ay makasarili nitong paglalawaran sa sarili nilang mga karanasan.

Umapela ang grupong CARMMA ng hustisya sa lahat ng mga nawalan ng pamilya, anak, at mga magulang dahil sa mga human rights abuses noong panahon ng nakatatandaang Marcos.

Hinikayat naman ng grupong ‘Survivor’s Hub’ si Pangulong Marcos Jr. na kilalanin ang mga pang-aabusong ginawa ng kanyang ama.

Tinutututulan ng grupo ang ano mang mga hakbang para baluktutin ang kasaysayan para ilarawan ang diktadurya bilang ‘golden age’.

Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula: ‘Huwag na tayong bumalik sa dilim’

Nanawagan ang Simbahang Katoliko sa publiko na huwag nitong kalilimutan ang mga aral na natutuhan sa Martial Law period.

Sa isang pahayag, hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Pilipino na sariwain at isa-isip ang mga aral na kalakip ng ‘maunos na yugto sa ating kasaysayan bilang isang bayan’.

Kabilang na rito ang pagpapahalaga sa buhay ng tao, pagtataguyod sa dignidad ng bawat isa, at ang paggalang sa karapatang-pantao.

Huwag din daw sanang malilimutan ang mga aral kagaya ng paglaban sa katotohanan; pagpapahalaga sa demokrasya; pati na rin ang aral na ang tunay na pag-unlad ay nakasalalay sa katarungan at kapayapaan.

Giit ng Arsobispo, mawawalan ng saysay ang mga mahahalagang arawl na ito kung pilit natin itong itatanggi.

Ngayong nakikita na raw natin ang liwanag – sana raw ay huwag na tayong bumalik pa sa dilim.

RELATED STORIES:

Mga Senador sa 50th Martial Law anniversary bukas – ‘move on? o never forget?’

Mambabatas, umapela sa publiko na labanan ang historical revisionism

Ex-Martial Law implementor Enrile: i-lift ang mga constitutional safeguards vs ML declaration

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *